Aliw na aliw ang followers ni Janine Gutierrez sa kanyang recent story sa Twitter.
“BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko. Akala pala ni kuya nakasakay na ko. Umabot na po siya ng Mandaluyong galing Makati ano po,” tweet ni Janine.
Ang daming naka-relate sa post na iyon ni Janine.
“I feel u, same experience last week. Going from going to market from bahay, pagka open ko ng gate ayun dumeretso na nakalimutan na may kasama. Worst thing is wala ako susi even my phone and money pra sana sunod aku. Kaya ayun mga 3hrs akong naghintay kc may dinaanan pa.”
“Nangyari yan sa VP namin. Pasakay sya kotse, bigla may humabol nagpapirma. Sinarado nya pinto habang nasa labas pa sya at pipirma nga. Tumakbo kotse, wala si VP. Sumakay si VP sa ibang service pra habulin sya. Nagulat na lang si Driver na andun si VP sa kabilang kotseng humabol.”