Pasaway na aktres biglang pinatay sa serye | Bandera

Pasaway na aktres biglang pinatay sa serye

Reggee Bonoan |February 28,2020
facebook
share this

Pasaway na aktres biglang pinatay sa serye

Reggee Bonoan - February 28, 2020 - 12:10 AM

“WALANG ginawa kundi lumayas (out of the country) at lagi pang late sa set kaya pinatay na!”

Ito ang tsika sa amin ng isang source tungkol sa aktres na ilang beses nang winarningan pero pasaway pa rin kaya ang ending, tinanggal na siya sa teleserye ng pinagtatrabahuang network.

Malaki ang panghihinayang ng kilalang aktres pati na ng kanyang mga co-stars sa pagkakatanggal sa kanya sa seryeng napakataas ng rating. Pero sabi nga, kasalanan din naman niya ang nangyari.

Bukod sa laging umaalis ng bansa ang aktres para magliwaliw ay always late din itong dumarating sa taping at hindi pa handa sa kanyang karakter kaya napuno na ang mga bossing ng programa.

Ang ganda nga raw ng role ng kilalang aktres kaya kahit masakit sa loob ng mga taga-production na tsugihin siya ay wala na silang nagawa lalo’t utos na rin ng mga bossing ng network.

“Hindi kasi nagseseryoso, magulo ang utak, laging soul searching, e, ang tagal naman na silang hiwalay ng dyowa niya. Hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on? May naging dyowa na nga siya after ng ex-boyfriend niya pero hindi rin siya sineryoso dahil babaero ang guy. Kaya panay ang layas para makalimot daw,” sabi pa ng aming source.

Nanghihinayang kami sa aktres dahil bukod sa maganda, marunong talaga siyang umarte, pero madalas parang wala sa sarili. Sana mahanap na niya kung anuman ang hinahanap niya sa sarili niya para tumigil na siya sa pagso-soul searching.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending