NAGPAHAYAG ng pagsuporta si Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN 2.
At naniniwala ang alkalde na isasaisip ni Pangulong Duterte ang mga empleyado na maaapektuhan kapag nagsara ang network.
“Davao City fully supports ABS-CBN sa kanilang pagpapa-renew ng kanilang franchise,” ani Mayor Duterte-Carpio. “Of course, malaki din ang suporta ng ABS-CBN sa Davao City at the buong bansa.”
Ginawa ng alkalde ang pahayag matapos na isapubliko ng Pangulo ang pagtanggap nito sa public apology ng television network. Humingi ng paumanhin ang ABS-CBN kaugnay ng hindi nito paglabas sa television ad ni Duterte noong 2016 presidential elections kahit nabayaran na ito.
Natanong si Duterte kung pipirmahan ba nito ang franchise renewal kapag naaprubahan na ito ng Kongreso at ang kanyang sagot ay: “I will cross the bridge when I get there”.
Sinabi naman ni Duterte-Carpio na: “Of course, alam niyo si President Duterte, maawain ‘yan na tao. Iniisip din niya ‘yung trabaho ng maraming employees ng ABS-CBN.”