IMBES na makaipon at umasenso, nauuwi lang sa wala ang pinaghihirapan ng mga maliiit na negosyante sa Pilipinas nang dahil sa “5-6.”
Kalimitang natatakot na mangutang sa banko kaya sa “5-6” ang bagsak ng mga Pinoy para makahiram ng puhunan.
Ang “5-6” ay “underground pautang system” kung saan nagsisimula sa 20 porsyento ang interes o mas higit pa ang ipinapataw na tubo kada buwan.
Ito ang nais wakasan ng NegosyoKo Loan ng Bank of the Philippine Islands/ BPI Direct BanKo Inc. para iahon ang mga small and medium-sized enterprises o SMEs mula sa informal lenders kasabay nang pagtuturo ng financial literacy at makalipat sa formal economy.
Progreso sa NegosyoKo
Ang buko vendor na si Mylene Sanchez, 42, ay may 12 kariton na kumikita ng P8,000 kada linggo maliban pa sa P1,000 benta mula sa kanyang sari-sari store araw-araw.
Kung dati ay kakarampot ang kinikita, ngayon ay may P10,000 namang naiuuwi para sa pamilya ang mananahing si Leticia Reyes, 63. Mayroon siyang limang mananahi at nakabili na ng mas maraming makina.
Ilan lang sina Sanchez at Reyes sa mahigit 85,000 active borrowers na unti-unting gumiginhawa ang buhay nang dahil sa NegosyoKo simula ng operasyon nito noong 2017.
Mula sa 2,500 kliyente sa unang taon ay lumobo na ito sa mahigit 103,000 sa pagtatapos ng 2019.
Layunin ng NegosyoKo na magpautang sa mga sumusunod na Small and Medium Enterprises (SMEs): Wholesale and retail trading, manual services (e.g hairdresser), food services, manufacturing (e.g. furniture handicraft) at agriculture/ livestock.
Sa mababang 2 percent monthly interest, kayang-kaya ng mga malilit na industriyang kabilang sa C and D income class na makapangutang para masimulan ang dream business.
‘Di hamak na mas mababa ito kaysa ibang microfinance institutions at online lending companies.
Kung ikukumpra naman sa “5-6”, langit at lupa ang pagitan ng tubo.
Halimbawa, ang P25,000 na inutang sa “5-6” ay tutubo ng P5,000 kada buwan (20% interest) kumpara sa napakalayong P500 (2% interest) lamang sa BanKo.
Easy requirements, fast approval
Nakadepende sa kakayahan ng borrower na magbayad ang ipahihiram ng banko na nagkakahalaga mula P25,000 hanggang P300,000.
Naglalatag ng group discussion ang mga empleyado ng BanKo para ipabatid ang nilalaman ng loan.
“What we do is to tie up with associations,” sabi ni BPI BanKo Vice President/ Head of Micro-Enterprise Lending Rodolfo Mabiasen Jr. sa panayam sa Inquirer.
“For example in public market they normally have vendors association sila yung kausap namin, meeting on a regular basis regarding our products.”
Kasunod nito ay background check at pagkatapos, bibilang lamang ng 3-5 banking days ay makukuha na ang pera kasama ang savings account na walang maintaining balance.
Kailangan lang na kumpleto at walang problema sa requirements gaya ng valid ID, business permit, Barangay clearance at utility bill (tubig o kuryente). Mababayaran ang utang na walang kolateral sa paying terms na anim na buwan hanggang tatlong taon.
Trabaho sa probinsya
Hitting two birds with one stone. Isa pang nagagawa ngayon ng NegosyoKo ang pagbibigay trabaho sa mga lalawigan.
Dahil 297 ng 300 operational branches ay nasa probinsya mula sa northern part ng Pilipinas sa Aparri, Cagayan hanggang sa southernmost area sa Tacurong, Sultan Kudarat, nangangahulugan na mas maraming empleyado ang kailangan para maabot ang mga SMEs.
May 2,400 ang kasalukuyang nagtatrabaho sa mga sangay ng BanKo.
Nakikipagpartner din ang BPI sa Go Negosyo at local Department of Trade and Industry (DTI) units para magsagawa ng training programs at mas mapalawig ang hangarin nito na bigyang katuparan ang pangarap ng Pinoy micro-entrepreneurs.
Dahil sa NegosyoKo Loan, kinilala ng Asia Money ang BPI Direct BanKo Inc. bilang “Best for Microfinance” award sa taong 2019 kasunod ng “Outstanding Financial Inclusion” award ng Banko Sentral ng Pilipinas noong 2018.
“We’re still going to be there in the community, the business will continue to be offered and will be in the public market despite the scare,” sabi ni Mabiasen.