Sarah natumba, gumulong, nasaktan sa pagtatanggol kay Matteo

“THAT evening was almost perfect.” Ito ang bahagi ng post ni Matteo Guidicelli kahapon sa Facebook kung saan inamin niyang kasal na sila ni Sarah Geronimo at nagpasalamat sa lahat ng bumati sa kanila.

Pero marami kaming comments na nabasa na hindi magiging kumpleo ang kaligayahan ng bagong kasal dahil may mga tao silang nasaktan, kabilang na ang ina ni Sarah na si Mommy Divine.

Bagama’t mas maraming well-wishers sina Sarah at Matteo ay may mga nagpayo ring mas maganda sana kung kumpleto ang pamilya Geronimo sa ginanap na Christian wedding ng AshMatt.

Komento ng isang netizen sa Matteo-Sarah wedding, “Congrats to the newlyweds. As a mom, both of you should do your best to get Ms. Divine’s forgiveness. Whatever happens she’s still Sarah’s mom, and as an old saying goes, ‘you won’t get far if you turn your back to your own mother.’ Still best wishes for the future ahead Mr. and Mrs. Guidicelli.”

May aktres naman kaming nakausap na isa na ring ina ang nagsabing, “Magkakaayos din ‘yan kapag may apo na. Lalambot din ang puso ni Mommy Divine, sa ngayon hindi pa, kasi galit na galit pa siya.”

Anyway, para na rin siguro matigil na ang mga tao sa kanilang mga haka-haka tungkol sa kontrobersiyal na kasal nina Matteo at Sarah ay nagkuwento na ang counselor ng dalawa na saksi sa ginanap na Christian wedding, si Letty Fuentes na nagpa-interview sa ABS-CBN.

Ginanap ang kasal sa Victory Church, Fort Bonifacio sa Taguig City, pasado alas-6 ng gabi noong Feb. 20, 2020 at ang nagkasal ay si Senior Pastor Paolo Punzalan. Kung hindi kami nagkakamali, si Pastor Paolo ay anak ng yumaong TV host na si Helen Vela at kapatid ni Princess Punzalan.

Anyway, ginanap sa VIP room ng Shangri-La Hotel sa Taguig ang reception at patapos na ang okasyon nang dumating ang ina ni Sarah at nagsisigaw umano. Kuwento ni Ms. Fuentes, “Sabi ng mama niya, ‘Traydor kayo!’ Sigaw-sigaw… ang lakas. Parang nagmura or something. Kasi magulat ka. Kasi, I know, gusto niyang sampalin si Matteo, e. She was ready for a fight.”

Naharang lang daw ni Sarah ang nanay niya sa akmang sasampalin ang asawa niya kaya ang ending, ang singer-actress ang naitulak at natumba, “Kasi she was pushed. Kasi inaano niya yung mommy niya, e. Naghahabulan. I was holding on her. Pag-push sa kanya, ang layo. Gulong. Natumba siya. For a while, matagal siyang medyo ano, kasi nanginginig.”

Sinabihan daw siya ni Mommy Divine na payuhan ang anak na huwag magpakasal kay Matteo pero wala raw siyang magagawa kung ano ang desisyon ng dalawa. Sinubukan pa raw ni Fuentes na kausapin si Mommy Divine, pero matigas nitong sinabi na tutol siya sa kasal.

Bago pa raw dumating ang 6th anniversary nina Sarah at Matteo ay matagal na nilang planong magpakasal, “Plans for so many years. For so many years, they wanted. But then, hindi nga pupuwede kasi talagang hindi tatanggapin. Matteo really pursue. They will cut off, they will be back again. But they’re both in tears most of the time.”

At base sa nakita niya kay Sarah nu’ng gabing iyon, “Happy. Parang nakawala. I’ve never seen her so confident that day. Talagang yun lang finale ang masakit. Si Matteo naiyak, ‘Finally, she’s mine.’ Matteo really loves her so much.”

Read more...