Arjo sigurado nang si Maine ang ‘The One’, future Mrs. Atayde

INULAN ng tanong si Arjo Atayde tungkol sa girlfriend niyang si Maine Mendoza sa media launch ng Beautederm para sa bago niyang ineedorsong men’s products, ang Spruce & Dash.

Pangunahing tanong siyempre sa award-winning actor ang tungkol sa kasal nila ni Meng. Marami kasi ang nagsasabi na baka raw this year na maganap ang kanilang wedding pero tikom ang bibig ni Arjo sa pagsagot tungkol dito.

Ayon sa aktor, very personal ang tanong kung handa na ba silang magpakasal ni Maine. Basta ang masasabi niya lang, “This is our love story.”

Dagdag pa niya, sigurado na siyang si Maine ang kanyang “the one” at nakikita na rin niya in the future ang pagiging Mrs. Atayde ng Dubsmash Queen. Naging masaya rin daw ang celebration nila ng Valentine’s Day pero hindi raw sila lumabas ng bansa, dito lang sila sa Pilipinas nag-date.

At nang tanungin ang Beautederm boss na si Rhea Anicoche -Tan, diretso nitong sinabi na payag siyang maging ninang sa kasal nina Arjo at Maine o kung hindi man siya magiging part ng entourage, pwede raw niyang sagutin ang wedding reception.

Pero kung may wish si Ms. Tan, ‘yon ay ang makuha rin si Maine upang maging endorser din ng kanilang mga products, huh! Isang dream project para sa kanya ang mapagsama ang magdyowa sa kanyang kumpanya.

Bagay kay Arjo ang mga bagong produkto ng Beautederm dahil sa dating niyang kahit walang ligo eh, mabango at malinis pa rin ang dating.

 

Read more...