Horoscope, Feb. 27, 2020 | Bandera

Horoscope, Feb. 27, 2020

Madam Sophia |February 27,2020
facebook
share this

Horoscope, Feb. 27, 2020

Madam Sophia - February 27, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: May lihim na naiingit sa iyo, pero an hindi nila nalalaman, matagal ka ng pinagpala ng kapalaran, kaya ang mangyayari tuloy-tuloy kang uunlad habang ang mga naiinggit sa iyo ay magdadanas ng magsubok at matinding kahirapan. Sa lovelife, iniintriiga ka nila dahil mas maganda at mas okey ka kaysa sa kanila. Markahan ang 3, 4, 12, 21, 38 at 49. Violet at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- May babala ng karamdaman. Uminom ng maraming tubig at regular na mag-ehersisyo. Bumili ng bagong bike at mag-bisikleta tuwing umaga. Markahan ang 3, 18, 27, 33, 44 at 48. Pink at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Ipagpaliban ang anomang pagbabago! Manatili sa kasalukuyang pinagkakakitaan. Sa lovelife, hindi dapat ikonsedera ang maling advice ng mga kaibigan, wag makipag-hiwalay sa kasuyong mapera. Markahan ang 6, 12, 23, 27, 36, at 49. Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Umiwas sa pakikipagtalo, may isang nilalang na mainitin ang ulo ang magpapahamak sa iyo. Sa pinansyal dagdag na sipag pa ang kailangang upang tuloy-tuloy ng umangat ng todo ang kabuhayan hanggang sa yumaman. Sa lovelife, piliin ang isang Sagittarius. Markahan ang 5, 14, 23, 36, 42 at 48. Orange at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-May darating na magandang oportyunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan hatid ng isang Capricorn. Wag ka ng umarte-arte pa – sunggaban mo agad! Mapalad ang 2, 11, 29, 35, 39, at 47. Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Sa pinansyal sa buwan ng Marso at Abril magiging magaang ang dating ng pera. Sa lovelife, ipatupad ang matagal ng planong mag-bakasyon at mag-unwind sa malayong lugar. Markahan ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Yellow at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Makunteto sa kasalukuyang karelasyon. Sa susunod na buwan sisiglang muli ang aspetong pang-sexual. Sa career, ipagpasalamat ang kasalukuyang hanapbuhay, at magisip pa ng mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Markahan ang 5, 9, 27, 33, 42 at 45. Red at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin ka rin sa larangan ng materyal na bagay kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya. Ang tapat at dalisay na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kabuhayan. Markahan ang 3, 18, 25, 34, 37 at 43. Pink at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Dahan-dahan lang! Hindi lahat ay nakukuha sa bilis. Sa pinsansiyal, matutong maghintay. Sa pag-ibig, wag kulitin ang kasuyo, hayaan mo siyang kusang bumigay. Markahan ang 7, 13, 25, 34, 40 at 49. Purple at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Konsentrasyon ang dapat! Itutok ang isipan sa pagkakamal ng maraming salapi at maligayang pamilya. Kayang-kaya mong magawa iyan, dahil ang mga Sagittarius ay talaga namang yumayaman. Markahan ang 3, 12, 27, 38, 41 at 44. Blue at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Wag gumawa ng maling bagay na makakasakit sa damdamin ng iba. Hanggat makakaya pa iwasan mong magalit, dahil ang galit ay nagtataboy ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pinansiyal, tandaang “costumer is always right,” upang lalong dumami ang benta. Markahan ang 4, 8, 17, 24, 28 at 35. Yellow at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Umalis muna sa sinilangang bayan upang maka-iwas sa intriga. Sa malayong pook yayaman ka. Sa lovelife sa isang sasakyang panghimpapawid o kaya’y pangdagat, mami-meet mo ang iyong true love. Markahan ang 5, 17, 28, 34, 41 at 45. Maroon at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Kung lagi kang nagbibigay darating ang araw ikaw naman ang bibigyan ng tadhana ng maraming biyaya. Sa lovelife, baluntaryong ibigay sa kasuyo ang matagal nya nang hinihingi – salapi at masarap na romansa. Markahan ang 2, 25, 28, 32, at 46. Green at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending