Naloka ang entertainment press sa pagtataray ni Gretchen Barretto nang magpa-interview ito sa nakaraang awards night ng Cinemalaya 2013 sa CCP Main Theater noong Linggo ng gabi.
Talagang hindi na napigilan ng aktres ang kanyang emosyon nang may magtanong na naman sa kanya ng tungkol sa kontrobersiyal na mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.
Unang pagtataray daw ni Greta, “Bakit, ano ang pakialam n’yo sa pamilya ko? Kung natatandaan n’yo po, itinakwil na po ako.
“In other words, wala na kayong karapatang tanungin ako pagdating sa Barretto family dahil I’m not part of that family anymore.
“Right now, my family is Tony (Boy Cojuangco, ang partner niya) and Dominique (ang kanyang anak), Marjorie and Jayjay, and the rest of my siblings. Mahirap namang ipilit ang sarili ko sa mga ayaw sa akin,” litanya ng aktres.
Kung matatandaan mismong ang kanilang ina kasing si Inday Barretto ang nagtakwil kay Greta noong kasagsagan ng away nila ni Claudine. Kumampi sa nakababata niyang kapatid ang kanilang ina.
Pagpapatuloy ni Gretchen, “Tahimik na rin ako ngayon. So, kung nanu-notice n’yo naman po ay puro career at pamilya ko at anak ko ang pinagtutuunan ko ng pansin—that’s it.
“Kaya huwag na nating isali kami ni Marjorie sa mga gulong hindi naman dapat kasali, kasi I think I’ve learned the big lesson na lumayo na lang. Yung magpakalayu-layo na lang para walang gulo.
Pag walang sinasabi, at least, wala nang problema. Mahirap ang mga gulu-gulo na ‘yan. Masaya na ang buhay natin.”
Pero hindi pa diyan nagtapos ang kanyang emote, nang may magtanong na reporter kung ano ang ipinagdarasal niya para sa kanyang pamilya, lalo na kina Claudine at Raymart, tila mas uminit pa ang kanyang dugo, “Bakit ko naman isi-share sa inyo?
Kayo ba ang God? “You are not God. I will not pray to you! I will not share. Stop it! And I hope you have to learn how to respect people also—respect me. ‘Coz ang pinagdaanan ko ay hindi madali.
Yung pang-iinsulto sa pagkatao ko, sa kredibilidad, ay napakasakit. Hirit pa ni Greta, “Ngayon, hindi ko na kailangang sabihin yun. So, bakit ba kinakailangan na paulit-ulit ninyong itinatanong ang hindi dapat itanong, hindi ba?
Bakit? What for? Para lang masaya kayo at bahala na ako? Hindi ganu’n yun, e. Pati prayers ko pakikialaman n’yo? Yan ay pribado kong buhay.”
( Photo credit to Google )