DALAWANG lindol ang naramdaman sa Mindanao kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang magnitude 4.2 lindol sa Davao Occidental alas-4:50 ng umaga.
Ang epicenter nito ay31 kilometro sa kanluran ng Sarangani at may lalim na 34 kilometro.
Naramdaman ang Intensity I sa General Santos City, at Malungon, Sarangani.
Alas-5:38 ng umaga naman ng yanigin ng magnitude 4.0 lindol ang Zamboanga del Norte.
Ang sentro nito ay 44 kilometro sa kanluran ng Siacon. Naramdaman ang Intensity I paggalaw sa Zamboanga City.
MOST READ
LATEST STORIES