Slightly ay na-trauma pala si Ivana Alawi sa kanyang ex-boyfriend na nanloko sa kanya.
“Ang sakit naman ng tanong mo agad. Wala,” sagot ni Ivana kay Vice Ganda sa Gandang Gabi, Vice when asked kung may BF siya.
“Feeling ko sa ex ko. Niloko ako. Ewan ko, ‘yun din ang tanong ko sa kanya, bakit ano pa ba ang kulang sa akin, babe,” say pa ng dalaga.
“Baka ‘di mo binigay lahat,” say ni Vice.
“Lahat-lahat talaga, lahat ng maisip mo,” say ni Ivana.
“Hindi, nalaman ko, hindi lang two time, three times. Ang dami kasing mga babae na biglang nagsulputan na. Ang dami pala namin. Ako daw ang pinamakamahal niya, ‘yun daw ang importante.
Natakot ako sa mga lalaki kasi baka lokohin lang nila ako.
“More than two times, mga apat kami, lima kami. Akala mo guwapo, hindi naman.”
So, hindi siya mahilig sa guwapo? “Hindi naman… ano sila, ang gusto ko hindi sobrang guwapo para wala akong kaagaw, akin ka lang.”
Later, she revealed na crush niya si Coco Martin.
“Guwapo siya, eh. Guwapo siya. Ang guwapo niya. Sinasabi niya sa akin ‘Ivana ito ang lines mo, ito ‘yung mga sasabihin mo, dito ka, dito ang blocking. Ang guwapo niya kapag naggaganon, ang hot.”
Imagine, ang sexy ni Ivana tapos niloko lang siya. Kalokang tunay, ‘di ba?