KAILAN lang dumating si Lovi Poe mula sa Amerika kung saan siya nagbakasyon ng dalawang linggo kasama ang foreigner boyfriend na si Montgomery Blencowe.
Maraming natapos na pelikula si Lovi nu’ng nakaraang taon kaya gusto niyang mag-recharge bago ulit sumabak sa trabaho.
Aniya, “Sa LA (Los Angeles), it was good kasi I did three movies within a year, sunud-sunod ang trabaho ko kaya less than two weeks akong nagbakasyon. Very happy naman po ang Valentine’s at birthday, worth it naman.”
Paano ipinagdiwang ng lovebirds ang dalawang mahahalagang okasyong nagdaan?
“Simple lang po kasi na-realize namin na noong Christmas and New Year since it’s a long distance relationship hindi naman importante kung saan kayo magse-celebrate, ang importante magkasama kayo.
“Kasi minsan lang ‘yun lalo na kung busy kayo pareho sa trabaho, lalo na ako magsisimula na ako sab ago kong teleserye after this movie,” pahayag ng aktres.
Masaya si Lovi sa piling ng kanyang British boyfriend (na isa ring film producer and medical scientist) at more than two years na sila kaya masasabi ba niyang he’s the one na?
“Right now, career is my priority of course but him as a person, he’s amazing but of course I got my priorities and he has so many things to do as well, so we’re just here to support each other,” sambit ng aktres.
Pero husband material naman daw si Monty, “Ha-hahaha! All I can say is that what he’s showing me, his actions, and everything, yes. I’m just blessed to have someone like him.”
Nakatsikahan namin si Lovi pagkatapos ng grand mediacon ng bago niyang pelikula, ang “Hindi Tayo Pwede ” mula sa Viva Films na idinirek ni Joel Lamangan.
Samantala, reunion movie ito nina Direk Joel at Lovi na nagkatrabaho na before sa Regal Films movie na “The Bride and the Lover” noong 2013.
Natanong si Lovi kung mas pressure ba para sa kanya ang “Hindi Tayo Pwede” dahil ang huling pelikula niyang “The Annulment” ay tumabo sa takilya.
“Well bawa’t movie naman po, we just do our best kasi people actually feel that when they watch the movie. Hindi naman nakaka-pressure on that sense kasi very different naman itong Hindi Tayo Pwede (sa The Annulment),” katwiran ng aktres.
Gagampanan ni Lovi sa pelikula ang karakter na Gab, “I’m a hopeless romantic at gusto ko lahat ng pelikula ay magaganda ang ending, ayaw ko ng tragic ending. ‘Yun ang thinking ko na lahat ng bida nagkakatuluyan, pero hindi nangyari.
“May mga bagay na hindi natin kontrolado. Nagising ako sa reyalidad na kailangan kong mag-move on na minsan labag sa kalooban ko pero kailangan kong gawin,” lahad ng dalaga.
Ano ang masasabi niya sa mga leading man niya sa movie na sina Tony at Marco na unang beses niyang makatrabaho.
“Very nice working with them kasi napaka-responsible nila maalaga sila and it doesn’t feel new kasi alam na nila ‘yung ginagawa nila, pakiramdam ko ang tagal na nila sa industriya. And ‘yung kasama ko sila sa set, ‘yung emotional level na naibigay nila sa bawa’t eksena, kahanga-hanga,” sabi ni Lovi.