Dagdag na sweldo sa Edsa anniversary holiday

PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na sundin ang pagbibigay benepisyo ngayong holiday
Sa DOLE advisory , idineklarang special non-working holiday ang anibersaryo ng EDSA People Powe Revolution ( Feb 25) at makatatanggap ng karagdagang 30 percent sa basic wage ng unang walong oras na trabaho
Ipinaiiral rin ang prinsipyong “no work, no pay” o kapag hindi nagtrabaho sa araw ng holiday ang manggagawa na hindi nagtatrabaho sa mga espesyal na araw ay hindi makatatanggap ng anumang bayad. Ito ay walang masamang palagay sa mga boluntaryong ginagawa o probisyon ng isang sama-samang kasunduan sa paggawa o collective bargaining agreement (CBA) na nagtatakda ng kabayaran na higit na mataas sa itinakda ng batas.
Kung ang isang manggagawa ay nagtrabaho o pinahintulutang magtrabaho sa special day, dapat siyang bigyan ng dagdag na hindi bababa sa tatlumpung porsyento ayon sa kanyang regular na sahod o kabuuang 130 porsyento. Kung ang manggagawa ay nagtrabaho sa special days at pumatak sa araw ng kanyang pahinga o rest day, siya ay babayaran ng karagdagang 50 porsyento ng kanyang regular na sahod o kabuuang 150 porsyento.
Special Work DaysAng pagtatrabaho ng isang manggagawa sa araw na naideklarang Special Work Day, ay babayaran lamang ng katumbas ng kanyang arawang sahod. Walang karagdagang bayad o premium pay sa dahilang ito ay maituturing lamang na pagtatrabaho sa ordinayong araw.
Premium Pay Rates
Ang COLA ay hindi kasama sa pagtutuos ng premium pay. Ang minimum statutory premium pay rates ay ang mga sumusunod:
1. Pagtrabaho sa araw ng pahinga o special day:
Karagdagang 30 porsyento ng arawang sahod na 100 porsyento o may kabuuang 130 porsyento.

Read more...