Horoscope, February 26, 2020 | Bandera

Horoscope, February 26, 2020

Madam Sophia |February 26,2020
facebook
share this

Horoscope, February 26, 2020

Madam Sophia - February 26, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal ituloy mo lang ang pagpupursege, siguradong sa malapit na hinaharap mararating mo rin ang tagumpay. Sa lovelife, hindi dapat kontrahin ang suwestsyon ng kasuyo na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Markahan ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Red at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Hindi makukuha sa puro na lang pakikipagkuwentuhan ang magandang kapalaran, aksyon ang kailangan. Mula ngayon sa bawat pagkilos na iyong gagawin, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Markahan ang 3, 18, 27, 35, 41 at 48. White at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Maging maingat sa pagpili ng kososyo at maging maingat din sa paglalagakan ng salapi upang hindi ka na uli maloko at maisahan. Sa lovelife, ituon ang pansin sa kasuyong Virgo. Markahan ang 3, 18, 27, 33, 39, at 48. Purple at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Bago makialam sa iba, pagbutihin muna ang sariling buhay. Mag-concentrate sa pag-iipon ng salapi at iwasan ang labis na pag-gasta. Sa lovelife, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo na mabait kapag tulog. Markahan ang 5, 17, 23, 35, 40 at 45. Green at black ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Kung gusto mong magsimula ng bagong buhay, laging tumingin sa future. Darating ang araw makaka-ahon ka rin sa mga pagkakautang. Sa lovelife panatiliin ang pag-ibig sa isang Scorpio upang mapawi ang kalungkutan. Markahan ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Malaking halaga ng salapi ang nakatakda mong mahawakan sa susunod na mga araw. Sa lovelife, wag mag-alala, tuloy ang mainit at masarap na suyuan. Markahan ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit na ang suweldo kaya magkakapera ka na naman. Markahan ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Beige at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Ito ang araw na lalong pagpapalain ang iyong buhay. Isa-isa ng magdaratingan ang mga dating inaambisyon mo na matagal ding naanlata sa kawala. Sa lovelife, ang hindi ninyo pagkakaunawaan ng iyong kasuyo ay lilipas din. Markahan ang 6, 15, 24, 29, 32, at 43. Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Mag-ingat sa pagpapahayag ng opinyon at nararamdaman. Sa maling salita maaari kang mapahamak. Isipin mo munang mabuti ang anomang sasabihin sa kausap, upang hindi siya maghinanakit at sumama ang loob sa iyo. Markahan ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Wag pang hinaan ng loob! Kung lalakasan mo ang iyong loob, noon ka pa sana mayaman! Sa lovelife, lakas ng ng loob din ang susi upang ikaw ay lumigaya at magtagumpay. Markahan ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Red at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Hindi kailanman liligaya kung ikaw ang laging nasusunod. Hayaang ang kagustuhan ng kasuyo ang matupad. Panahon na upang ipaubaya sa iyong kasosyo ang diskarteng nalalaman niya upang magtagumpay ang transaksyon. Markahan ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Gray at silver ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Limutin na ang nakaraang relasyon sa ganyang paraan mas madali kang makapagmu-move-on. Sa pinansyal, bagong negosyo na may kaugnayan sa pagkain ang dapat. Markahan ang 2, 16, 25, 34, 41 at 49. Yellow at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Dagdag na lambing at caress ang kailangan upang lalo pang tumibay at tumatag ang pagmamahalan. Sa pinansyal, wag ng asahang magbabayad pa ang mga taong sa iyo ay may pagkakautang, sapagkat habang pinapatawad mo ang mga taong sa iyo ay may utang, mas marami pang mga biyaya at suwerte ang sa iyo ay ipagkakaloob ng nasa itaas. Markahan ang 3, 15, 24, 33, 39 at 45. Red at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending