6 patay sa car bomb

PATAY ang anim katao habang 25 iba pa ang sugatan nang sumabulat ang isang improvised explosive device Lunes ng hapon sa Cotabato City.

Ayon sa pulisya, dalawa sa mga biktima ay nagkagutay-gutay ang katawan dahil sa lakas ng bomba na itinanim diumano sa isang kotse.

Sinabi naman ni Senior Supt. Rolen Balquin, city police director, karamihan sa mga biktima ay motorista na napadaan sa Villa Funeral Homes sa Sinsuat Avenue, kung saan naka-park ang Toyota Townace, na una nang ipinarada nang hindi pa nakikilalang lalaki, ang biglang sumabog.

“The Townace PUJ could have been rigged with explosives,” pahayag ng pulis.

Nasira naman ang bahagi ng punerarya at maging ang mga katabi nitong establisimento at dalawang sasakyan na nakaparada rin sa lugar.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakikilala ang mga biktima.

 

 

Read more...