Boy na-bash matapos makipag-dinner sa mga boss ng GMA

BOY ABUNDA

NETIZENS lambasted Boy Abunda for hosting a dinner for GMA 7 bosses.

“Thank you ama mr BOY ABUNDA for hosting the DINNER WITH GMA BOSSES .. salamat po sa time ms liliybeth , ms darling, ms ruth, ms gigi , ms nini and ms weng of aaai.. sarap ng kwentuhan .. yehey and thank you sa mga lady bosses for their time,” caption ni Ai Ai delas Alas sa photo where it showed Boy and GMA officials.

Naimbiyerna ang netizens lalo pa’t nangyari ang dinner last Friday as alleged by a website, kung saan may rally ang mga celebrities, staff, crew and ABS-CBN officials sa labas ng ABS-CBN compound. For them, it leaves a bad taste in the mouth, in a manner of speaking.

Not surprisingly, na-bash si Boy sa comment section ng isang Facebook account na may kinalaman sa showbiz.

“Bakit naman nataon na kung kelan may problema ABS tsaka nagkaroon ng dinner sa mga bossing ng GMA. Parang medyo nakakalungkot.”

“O ayan na si boy abunda nagsisimula ng magpa bango sa GMA. Bago lumubog ang barko ng abscbn nagpapasiguro na ang lukareet. Panu ba yan tito boy so wala na yun pangako mo sa nanay mo na ipaglalaban mo ang kapamilya?”

“DAHIL ANG MGA TAONG GANYAN GUSTO LANG NILA TANGGAP NG TANGGAP…PERO SA PANAHON NG KAHIRAPAN DI MO NA MAHAGILAP..ANG KAPAL.”

May nagtanggol naman kay Boy who said, “Mga syunga syunga sa daming dinner date na nangyari kina tito boy sa taga GMA ngayon lng to lumabas hoyyyy daming talent yan c tito boy sa ABS-CBN at GMA.”

Any comment, Boy?

Read more...