NAGPASILIP ng kanyang kaseksihan si Janella Salvador habang nagbabakasyon sa Boracay.
Nagsuot siya ng two-piece bikini na ibinandera nga niya sa kanyang Instagram account. Kitang-kita ang magandang kurbada ng dalaga na tila nagsasabing handa na siya sa mga sexy and daring roles.
Caption ni Janella sa kanyang IF post, “A short but sweet weekend getaway made even better by this beautiful place (plus two points for the warm and friendly staff with amazing service!).”
Isang sutil namang netizen (2den_younggg) ang pumansin sa ilong ni Janella. Pang-aasar nito, “Problema lang sayo @superjanella ilong mo. Hahahaha.”
Sagot ni Janella sa basher, “I don’t see any problem with it, I absolutely love my button nose.”
Iilan lang naman ang nangnega sa picture ni Janella at mas marami pa rin ang nagbigay ng positibong comments. Halos lahat ay humanga at napa-wow sa kanyang sexy body.