Honda workers na nasibak epekto ng TRAIN 1

MORE than 300 regular employees of Honda Cars Philippines along with more than 1,000 contractuals are about to lose their jobs this year.
Sinabi ng Honda management na nalulugi sila dahil mababa ang benta dulot ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Package 1 na nagpapataw ng buwis sa mga kotse na may halagang P600,000 hanggang P4 milyon.
Dahil dito nagmahal ang halaga ng isang kotse simula 2018.
Dahil din sa TRAIN 1, nagpataw rin ng buwis sa gasolina na umabot na sa P6.50 per liter ngayong 2020.
Dahil sa mga buwis na ipinataw ng TRAIN 1, nagtaasan ang presyo at siyempre nabawasan ang bilang ng mga bumibili ng kotse kabilang na ang Honda.
Dahil sa TRAIN 1, nganga ang mga manggagawa. Pero wait, there’s more.
Tinatayang 1 milyon naman ang mawawalan pa ng trabaho kapag ipanatupad ang CITIRA o Corporate Income Tax and Incentives Reform Act o TRAIN Package 2.
Layon ng CITIRA na tanggalin ang mga incentives na ibinigay na sa mga kumpanya at ibigay sa mga umano’y karapat-dapat na makatanggap.
Dahil dito, magsasara ang maraming kumpanya at lilipat sa mga bansa na may magandang incentive gaya ng libreng kuryente sa pabrika.
Ipinatupad ang TRAIN tax sa kabila ng pagtutol ng mga labor groups dito dahil walang consultation, kulang at walang ayuda sa mga maapektuhan at hindi na pinag-isipang maigi.
Dapat managot ang mga economic managers ni Digong sa pagkawala ng trabaho dahil sa TRAIN. Kaya heto, nganga ang mga manggagawa.
***
May isyu ka ba tungkol sa inyong trabaho? Pinagmamalupitan ng amo, hindi binabayaran ng wasto? Maaaring mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com o mag-text sa 09989558253.

Read more...