Lovi hindi inurungan ang dila nina Tony at Marco; lumaban sa laplapan

PARE-PAREHONG palaban sa laplapan at love scene ang tatlong bida sa pelikulang “Hindi Tayo Pwede” na sina Lovi Poe, Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Mismong ang direktor ng latest offering ng Viva Films na si Joel Lamangan ang nagsabi na wala siyang naging problema habang sinu-shoot ang kanilang sex scenes dahil game na game ang tatlo sa lahat ng mga ipinagawa sa kanila.

Talagang “tongue-to-tongue” ang mga kissing scenes at todo hubaran ang ginawa nina Lovi, Marco at Tony sa movie na siguradong ikaka-shock ng manonood. Ipinagmalaki pa ni Direk Joel na lahat ng maiinit nilang eksena sa kama ay take one lang.

“Hindi nila ako pinahirapan, lahat ng hiningi ko ibinigay nila at talagang sexy silang lahat. Parehong dila sa dila ang halikan nina Lovi at Tony, and Lovi with Marco. Hindi sila nagpatalo sa isa’t isa.
“Ang galing-galing nila sa love scenes, and lahat yun one take lang,” pagmamalaki ni Direk Joel sa tatlong bida ng “Hindi Tayo Pwede.”

Ayon kay Lovi, malaki ang tiwala niya kay Direk Joel kaya pumayag siyang gawin ang lahat para na rin sa ikagaganda ng pelikula.

Hindi rin niya naramdaman na nag-take advantage sina Tony at Marco habang ginagawa nila ang mga intimate scenes.

Sey naman ni Tony, “Basta ako, I just listen to what Direk wanted. Pero hindi naman ako iyong nag-request na kailangan may dila ako. It was really Direk Joel’s creative direction, siya ang direktor namin so we believe sa vision niya for the movie.”

Showing na ang “Hindi Tayo Pwede” sa mga sinehan nationwide simula sa March 4 mula sa Viva Films.

Read more...