ARESTADO ang tatlo katao nang makuhaan ng P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, Sabado ng hapon.
Nadakip si Karen Leal alyas “Michelle,” isang 32-anyos na saleslady; at mga kasabwat niyang sina John Rhens Timing, 20; at Jason Ymalay, 26, pawang mga residente ng Novaliches, ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region.
Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA-NCR at Quezon City Police ang operasyon dakong alas-4:30, sa isang convenience store sa Brgy. Kaligayahan.
Nakuhaan sina Leal ng aabot sa 500 gramo ng hinihinalang shabu at cellphone, at nabawi din sa kanila ang buy-bust money.
Hinahandaan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.
MOST READ
LATEST STORIES