HALOS isang buwan nang may shortage sa suplay ng face masks sa mga drug stores at medical stores sa kabila ng patuloy na banta ng novel corona virus diseaae 2019 o COVID-19 sa bansa.
Sa kabila ng pagtiyak ng gobyerno na paparating na ang suplay ng mga face masks, wala pa ring mabili sa merkado.
Mismong ang mga eksperto ang nagsabi na walang silbi ang mga telang face masks para panlaban sa COVID-19.
Dahil sa kawalan ng mga surgical masks, nagtitiis ang publiko na hindi na magsuot ng masks. Ang iba naman ay nagbabasakali na lamang sa telang masks sa pagnanais na maprotektahan sila laban sa COVID-19.
Mismong ang Department of Health (DOH) ang nagsabi na panahon na lamang bago magkaroon ng local community transmission ng COVID-19.
Kung nais talaga ng gobyerno na maprotektahan ang mamamayan nito laban sa COVID-19, dapat ay maging handa man lamang ang bansa laban sa deadly disease.
Bagamat nagpapasalamat tayo na ligtas pa rin ang mga tao sa COVID-19, dapat ay doble kayod ang mga otoridad sa paghahanda laban sa corona virus.
Dapat ay meron nang nabibiling face masks sa mga drug store gaya ng normal na gamot na may suplay anumang oras na nais bilhin.
May mga lokal na manufacturer naman ng face masks. Bakit hindi sila atasan na tiyakin ang mass production hanggang may panahon pa para paghandaan ang COVID-19?
Hindi rin dapat maging kampante ang publiko. Dapat ay gawin pa rin ang pag-iingat para matiyak na ligtas tayo sa COVID-19.
Paulit-ulit na sinabi ng DOH ang mga dapat gawin para makaiwas sa deadly virus at dapat ay ugaliin pa rin nating gawin.
Kabilang dito ang paghuhugas lagi ng kamay, magdi-disinfect ng kamay gamit ang alkohol at iba pang disinfectant, pagsusuot ng face masks lalu na sa mga taong may sintomas ng flu, pagtakip ng bibig kapag bumabahing at inuubo at pag-iwas sa mga matataong lugar.
Umaasa pa rin tayo na gumagawa nga ng aksyon ang gobyerno para maging available sa merkado ang face masks kung kailan nais bumili ng mga tao.
Pangakong suplay ng face masks ng gobyerno nasaan na?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...