“Hindi na ako nasa isang box na lang!”
Ito ang mariing sinabi ni Julia Barretto ngayong wala na siyang permanenteng ka-loveteam.
Ang dati niyang boyfriend at on screen partner na si Joshua Garcia ay may bago nang ka-tandem, si Janella Salvador na muli ngang magsasama sa isang proyekto very soon after ng kanilang hit Kapamilya series na The Killer Bride.
Sa nakaraang presscon ng bagong iWant digital series ni Julia na “I AM U” kung saan makakatambal naman niya si Tony Labrusca, sinabi ng dalaga na magsosolo na muna, “Yung choice ni
Joshua to stay, to still be in that path—in a loveteam phase—I respect that. Ako kasi, I think I’ve graduated from that phase.
“And I’m very happy to be in a phase in my career na mas mature na yung mga nagagawa ko. Marami na po akong nakakatrabaho, so mas free na po ako sa pagpipili ng projects. Hindi na ako nasa isang box na lang.
“I can now explore as an actress, try different genres and be able to work with different leading men, different kind of materials, different directors,” paliwanag ng dalaga.
Sa katunayan, pumayag na si Julia na magkaroon ng intimate at daring scenes with Tony sa kanilang psycho-thriller series kung saan dual role ang kanyang gagampanan.
Sa tanong kung gusto pa ba niyang makasama uli si Joshua sa isang proyekto, diretsong sinabi ng aktres na huwag muna, “That’s still in the far future pa, because I’m still working on Julia as an individual and Julia as the actress.”
Showing na sa streaming application na iWant simula sa Feb. 26 ang “I AM U”.