BIGYAN natin ng katwiran si Mommy Divine, ang equally controversial na ina ni Sarah Geronimo.
Trending at viral pa rin ang hashtag #DivineIntervention sa social media matapos mabalitang sumugod si Mommy Divine sa supposedly secret wedding ng kanyang anak kay Matteo Guidicelli.
Of course, marami ang nagbunyi dahil sa wakas kasal na sina Sarah at Matteo after ng ilang taong relasyon bilang girlfriend-boyfriend. Naganap ang civil wedding ng AshMatt sa Shangri-La Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Alam naman ng lahat ang matinding sakripisyo ni Sarah para sa kanyang pamilya so ang rason ng mga Popsterd at ng iba pang nagmamahal sa singer-actress – she deserves to be happy kasama ang lalaking pinakamamahal at ipinaglaban sa kanyang parents.
Para sa amin, may mali talaga sa pagtatago ng bagong kasal sa nanay ni SG. Pero alam naman siguro ni Matteo ang pinasok niya, so he should bear the consequences.
Bilang isang ina, nais din naman marahil ni Mommy Divine na maging maganda ang kasal ng anak. Sino ba namang magulang ang ayaw na maging maligaya ang kanyang anak?
Pero naniniwala kami na may kanya-kanya silang rason sa kanilang mga naging desisyon. May dahilan si Sarah kung bakit itinago niya ang kasal sa ina at may reason din si Mommy Divine kung bakit kontra siya kay Matteo para sa anak.
Hindi man kailangan ni Sarah ang parental advice dahil 31 years old na siya’t may karapatan nang magdesisyon para sarili, kailangan pa rin niyang irespeto ang mga magulang na nagpalaki sa kanya.
Hindi naman marahil pera lang o ang posibleng pagkawala ng tulong sa kanila ng Popstar Royalty ang rason kaya bakit ayaw nilang matuloy ang kasal nito kay Matteo. Siguradong may mabigat ding rason si Mommy Divine kung bakit bigla siyang sumulpot sa kasal, huh!
Kinakawawa tuloy ngayon ng maraming netizens si Mommy Divine. Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato nila rito kahit hindi pa nila alam ang tunay na kuwento.
Gusto ba nina Matteo at Sarah na maligaya sila sa ginawa nila habang nagdurusa naman si Mommy Divine? Makakaya bang makita ni Sarah ang kanyang ina na pinagsasalitaan nang masama ng mga tao hindi naman talaga sila kilala?
Mother knows best, ika nga. Pero sabi ko nga, hindi rin natin alam ang rason nina Matteo at Sarah kung bakit naetsapuwera si Mommy Divine sa kanilang civil wedding.
But it’s all over now. Wala nang habol si Mommy Divine dahil mag-asawa na sina Matt at Sarah. Ang tanging magagawa na lang niya sa ngayon ay suportahan ang anak at patawarin ito sa kanyang mga kasalanan kung meron man.
Huwag na lang natin siyang banatan sa ginawa niyang pagsugod sa kasal dahil ang kapakanan din marahil ng anak ang tanging nasa isip niya.
Pero para sa amin, binigyang respeto man lang sana ng bagong kasal si Mommy Divine para na rin sa kapayapaan ng kanilang kalooban dahil ang ina ay ina at ina pa rin kahit saang anggulo natin tingnan.
Best wishes and congratulations pa rin kina Sarah at Matteo. At wish namin, sana’y maging mahinahon din si Matteo at huwag padalus-dalos sa desisyon. Iwasan din niya ang manakit ng ibang tao.