Barag na barag at durog na durog si Mommy Divine dahil sa kanyang eksena sa wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Kahit saang website ka magpunta, talak kung talak ang netizens laban sa madir ni Sarah. Wala na ngang paglagyan ang magandang comment sa kanya dahil halos lahat ay negatibo ang tingin sa kanya, may mga bashers pa na gusto siyang ipako sa krus!
“Sarap ipa Tulfo yang si mommy devine, para syang kulungan na kinukulong si Sarah, tao din po si sarah gusto rin ng kalayaan kagaya nyo po. Palayain nyo na po sya please mommy. Nasasaktan na rin po kame sa ginagawa mo mahal namin si Sarah.”
“‘Yan ang napala mo mother sa sobrang higpit mo d mo na witness ang mahalagang occasion ng anak mo. pakawalan mo na tanda na eh. bigyan ka parin naman ng kita nya.”
Samantala, natutulog ba sa pansitan si Lolit Solis?
Iyan ang tanong ng marami dahil ikinasal na noong Huwebes si Sarah kay Matteo pero ang post niya kahapon, Saturday, ay hindi pa kasal ang dalawa.
“Dahil siguro halos sa mga mata na ng publiko lumaki si Sarah Geronimo, kaya iyon wedding niya halos buong Pilipinas hinihintay. Kaloka na talaga halos araw-araw nakaabang sa kung kailan na matutuloy ang Matteo / Sarah wedding.
“Ito na siguro ang pinaka most awaited na kasal ng celebrity dahil nga mula bata up to now, sinundan na ng public ang lovelife o love story ni Sarah. Lahat parang magulang o kapatid niya na hinihintay ang magaganap sa buhay niya. At masasabi mo rin, lahat gusto ang happy ending for Matteo and Sarah.”
‘Yan ang post ni Lolit na ikinaloka ng followers niya.