‘Siguradong hindi na makakapagtrabaho uli si Robin sa ABS-CBN’

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

BAGAMA’T nag-sorry din agad, nai-post na ni Robin Padilla ang sana’y sinarili na lang niyang damdamin toward ABS-CBN.

Ang nakakatawa pa, hinihingi niya ang pang-unawa ng publiko coming from an ex-convict who allowed his emotions to get in the way of such a thing na utak sana niya ang kanyang pinairal.

Pero nasabi na ang hindi dapat sabihin. The harm has been done, ‘ika nga.

Poor ex-convicts, idinamay pa ni Robin sa takbo ng utak niya as if they all think and behave the same way he does. Such a sweeping statement na tiyak aalmahan ng mga tulad niya whose lives have been reformed.

Now let’s talk about the repercussions of his post. As a consequence, it’s Robin’s doing that he’d fall from grace. Maaaring hindi lang TV career niya ang madamay but also his wife Mariel’s and kin’s.

Kunsabagay, stable at established na si Robin that he doesn’t have to work his butt. Pero mas kailangan niya ang istasyon more than the latter needs him.

What if, just what if patuloy ang ligaya sa darating na buwan? Good for most of its stars, but bad for Robin. Equally bad for his ilk.

It’s also such a pity na may panawagan si Robin sa mga kapwa niya malalaking artista na maglabasan ng kanilang mga kontrata, their bankbooks included. Ang alam namin, only privy to the contract ay ang artista mismo at ang kanyang business manager.

Bankbook ba ‘ika nga? SALN ito na required lang sa mga taga-gobyerno? Eh, kung ang Pangulo nga ng bansa, hindi pa tumatalima sa ganitong probisyon, mga artista pa kaya?

Digong, ipuwesto na si Robin sa BIR!

* * *

Naalala tuloy namin ang mapait na karanasan ng mga taga-production noong gumawa ng serye si Robin sa GMA, ang TV adaptation ng “Joaquin Bordado.”

That was many years ago, too long pero ‘di namin makakalimutan ang kuwentong “nagwala” si Robin na ikinatakot ng mga editing staff sa isang palapag sa main building ng istasyon.

In fairness, nakatutok si Robin maging sa editing ng serye. Kumbaga, he’d strive for perfection kahit sa mga maliliit na detalye nito.

May hindi yata nagustuhan si Robin. Hell broke loose habang nagsipagtago ang mga nahintatakutang tao sa production na baka masmpolan ng bangis ng action star.

Nagresulta ‘yon with someone from the creative who vowed never to work with Robin again. Ganoon daw pala ang work ethic nito.

Ang ending, ‘yun ang una at huling pagkakataong nakapagtrabaho si Robin sa GMA. Hindi na nasundan.

 

Read more...