Aktres na baon sa utang nagpapatayo ng bagong bahay

BALITANG-BALITA sa isang subdivision na ang may-ari ng ipinagagawang malaking bahay sa kanilang lugar ay ang isang kilalang female personality.

Madalas daw kasing makita du’n ang babaeng personalidad na kinakausap ang arkitekto at ang mga manggagawa. Parang siya ang nagmamando, meron siyang mga gustong masunod na disenyo, madalas siyang makita sa nasabing subdivision.

Takang-taka naman ang aming source tungkol sa kuwento, marami kasi itong kaibigang pinagkakautangan ng female personality, paano na raw ang kanyang mga utang?

Kuwento ng aming source, “Kasi nga, hanggang ngayon, e, malaki pa rin ang utang na dapat bayaran nu’ng female personality sa isang businessman.

“Nakakaawa naman ‘yung tao, kapag hindi siya nakapagbabayad sa bank kung saan siya ginarantiyahan ng businessman, e, ‘yung co-maker niya ang nagbabayad.

“Ibinabawas sa account nu’ng tao ang pambayad sa bank, siya ang nag-aabono, puro pangako lang ang sinasabi sa kanya ng girl,” umpisang chika ng aming impormante.

Maraming pinapasukang negosyo ang female personality na ito, pero ang ipinagtataka ng marami, palagi siyang nalulugi.

Patuloy ng aming source, “‘Yung inutang niya sa bank, e, ipinampuhunan din niya sa isang business. Pero after a few months lang, sarado na ang negosyo niya, olats!

“Mahilig kasi siyang pumasok sa mga negosyong wala naman siyang alam. Sulsulin siya! Konting kuwento lang sa kanya na maganda ang business na iniaalok sa kanya, e, kumakagat na siya agad!

“There was even a time na tatlong negosyo ang binuksan niya, ang daming tuwang-tuwa at humanga sa kanya, pero ilang buwan lang, e, sunud-sunod nang nagsarado ang mga binuksan niyang business!

“Tapos ngayon, e, nagpapatayo na pala siya ng house sa isang subdivision, saan kaya niya kinuha ang pampatayo niya ng house? Ibinenta na kaya niya ‘yung bahay na balitang-balitang ibinigay sa kanya ng isang sikat na male personality na nakaromansahan niya nang matagal na panahon?

“Malay naman natin, baka nakahukay siya ng mina ng ginto? Imposible ba ‘yun?” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!

Read more...