Van sinalpok ng trak: OFW, misis patay; anak sugatan

NASAWI ang isang overseas Filipino worker at kanyang misis, habang sugatan ang kanilang anak nang salpukin ng dump truck ang sinakyan nilang van, sa Sta. Lucia, Ilocos Sur, nitong Huwebes.

Dinala pa sa ospital si James Oliver Marzan, 34; misis niyang si Rho Anne, 34; at anak nilang si Michael Alfred, 8, pero di na umabot nang buhay ang mag-asawa, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. San Juan.

Minamaneho ni Marzan ang Nissan van (NDQ-209) pa-timog nang masalpok ito ng kasalubong na Isuzu dump truck (URV-930) na dala ni Geronimo Valdez Jr., 51, ayon sa ulat.

Dahil sa impact, nagtamo ng pinsala ang mga sakay ng van at dinala sa Sta. Lucia District Hospital, kung saan idineklarang dead on arrival si Marzan at kanyang misis.

Read more...