outbrain

Mister, ex-BF pinagsabay

By Beth Viaje February 21,2020
share this

Mister, ex-BF pinagsabay

By Beth Viaje February 21,2020
share this

DEAR Ateng Beth,
Ask ko lang po sa inyo kung ano ang dapat kong gawin. May asawa po ako at isa ang anak namin. Tapos po ay may nakaraan ako sa una kong BF, kaso hanggang ngayon ay may gusto pa rin ako sa kanya.
May communication pa rin kami ng ex ko. Sa katunayan po magkikita kami pag-uwi niya galing ng Maynila sa Mayo. Ano bang dapat kong gawin? Thanks po at more power.
Divine
Hello Divine!Not to be judging you or anything, pero sabi mo nga may asawa ka na at anak na, e ano pang ginagawa mong pagpapa-cute diyan sa ex BF mo?
Hindi ba mas less complicated ang maging faithful sa iyong asawa at pamilya? Hindi ba mas magiging magulo kung makikipagkita ka pa sa ex-BF mo?
Ultimately, it will be your decision to make. Kung mahal mo talaga ang ex-BF mo at siya ang gusto mong makasama habambuhay, bakit ang mister mo ang kasama mo ngayon? Pero if you think na ang ex BF mo ang tunay na magpapaligaya sa iyo, then break it off with your husband bago pa tuluyan niyang malaman ang pagtataksil mo mula sa iba.
Huwag silang pagsabayin. Kung magiging unfaithful ka, masasaktan mo lamang ang lahat ng taong involved, pati na rin ang sarili mo.
So to this, I say, mag-isip ka at gawin kung anong nararapat na gawin base sa dikta di lamang ng puso mo kundi kung anong makatwiran at tama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending