Coco bayani para sa madlang pipol; Robin inggiterong palaka

ROBIN PADILLA AT COCO MARTIN

Hero ang tingin kay Coco Martin at malaking kontrabida naman ang tingin ng netizens kay Robin Padilla when he dragged the name of FPJ’s Ang Probinsyano lead actor sa issue ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Nadamay si Coco dahil pinatulan ni Robin ang isang guy who told him na tularan na lang si Coco na tumutulong sa mga actors na nawalan ng career.

Public sentiments went against Robin whom the public thought had an axe to grind against Coco. Pinalalabas ng netizens na inggit na inggit si Robin dahil napakaganda ng career ni Coco. Tinawag pa siyang laos at inggiterong frog ng fans ni Coco.

“Correct! Gustong malihis ni Robin ang galit ng tao sa kanya at mapunta kay Coco db u cant put down a good man. bakit kailangan mong mangdawit ng nanahimik na tao hindi nya naman issue un ikaw gumawa ng issue mo robin ang mag solve at HUWAG MO nang isinasali si Lord, issue mo yan.”

“Yabang ksi ni Robin nakadikit lang sa President kala mo sino. sana wag na mangialam at dagdagan kung ano man ang issue hilig pa mandamay ng ibang tao. Panahon pa nla ngaun kaya lahat kayang gawin.”

“Kung tutuusin sya nga nanagasa ng vendor ng magbabalot nun. Sino kaya ang masahol. Obviously bitter ksi d na sya tinatangkilik ng mga tao.”

Meanwhile, mukhang wala nang balak si Coco na patulan ang patutsada sa kanya ni Robin. Sabi nga ng isa naming source, hinding-hindi magagawa ni Coco na pahiyain o bastusin ang kanyang staff and crew. Nilinaw din niya na ang “buhos-tubig” na sinasabi ni Robin ay isang matagal nang biro at katuwaan sa mga teleserye ng Probinsyano lead star.

“Hindi lang naman sa Ang Probinsyano nangyari yung biruan nilang buhusan ng tubig. Kahit noon sa Juan dela Cruz, ginagawa na rin nila yan at wala namang napipikon,” ayon pa sa kampo ni Coco.

Read more...