NANATILI sa 5.4 porsyento ang unemployment rate ng bansa noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Ang 5.4 porsyento ay 2.435 milyon sa 45.387 milyong Filipino na nasa labor force batay sa datos noong Hulyo 2019.
Pinakamataas ang unemployment rate sa Region IV-A (Calabarzon) na naitala sa 7.2 porsyento, na sinundan ng National Capital Region (6.1 porsyento), Region VII (Central Visayas) na 6.0 porsyento at Region VI (Western Visayas) na 5.9 porsyento,
Noong Hulyo 2018, NASA 5.4 porsyento rin ang employment rate o 2.329 milyon sa 42.979 milyon ng labor force.
Ang 36.2 porsyento sa mga unemployed ay junior high school graduate o undergraduate, at 38.3 porsyento naman ang nakaabot sa college at 30.2 porsyento ang college graduate. Ang 7.2 porsyento naman ay elementary graduates at 5.8 porsyento ang graduate ng post secondary courses.
Ang employment rate noong nakaraang taon ay 42.952 milyon o 94.6 porsyento. Noong 2018 ito ay 40.650 milyon (94.6 porsyento).
Nabawasan naman ang underemployment rate na naitala sa 13.9 porsyento o 5.957 milyon kumpara sa 17.2 porsyento (7.003 milyon) noong 2018. –