Dahil sa dolphin, lolo bayani na


HINIRANG na “Hero of the Environment” ng World Wildlife Fund for Nature (WWF)-Philippines ang 63-anyos na mangingisda mula sa Ilocos Norte nang sagipin nito ang nalambat na dolphin.

Ayon sa WWF-Philippines, inalerto ni Francisco Vergara ang awtoridad nang madiskubreng nalambat ang adult rough-toothed dolphin (Steno bredanensis) sa bayan ng Badoc, na noon ay inilarawang “distressed and dying animal.”

Pumalaot si Vergara sa madaling araw ng Hunyo 18 at nadiskubreng kumakawag sa lambat ang dolphin sa pagitan ng barangay Pagsanaan Sur at Pagsanaan  Norte.

“The senior citizen wasted no time alerting authorities, (who) quickly pooled resources to release the animal by 9:45 a.m.,” anang WWF-Philippines.  Ayon sa WWF-Philippines, malusog ang dolphin nang makalaya sa lambat.

Sa simpleng seremonya, si Vergara ay kinilalang bayani niya Badoc Mayor Arlene Torralba, Vice Mayor Tom Torralba, at WWF-Philippines Conservation Programmes vice president Joel Palma.

“Despite being a senior citizen, Mr. Vergara not only made his country proud—he saved a life. We hope that others can follow his example,” ani Palma.

Ang WWF Heroes of the Environment program ay inilunsad noong 2009 para gawaran ang mga may ipinakitang may “decisive environmental action.”

“Counting Vergara, WWF has awarded a total of 16 people, ranging from a shy 8-year-old who helped save a wounded Risso’s dolphin (Grampus griseus) in Mindoro to mural artist AG Saño, who painted over 30,000 dolphins to protest both the annual killing of dolphins in Japan, plus the keeping of dolphins in captivity,” ani Palma.

“To date, Vergara is our oldest awardee.”  Inilarawan ng WWF-Philippines ang Pilipinas na “hotbed for whales and dolphins.”
Dalawampu’t walong species ng cetacean (whale, dolphin and porpoise) ang naitala na nananahan sa mga karagatan ng Pilipinas noong 2013.

Ang mga cetaceans  na nananahan sa mga karagatan ng bansa ay kinabibilangan ng sperm whale (Physeter macrocephalus), killer whale (Orcinus orca), at blue whale (Balaenoptera musculus), ang pinakamalaking hayop sa buong mundo na may haba na 100 piye.

Bagaman ang cetacean species ay protektado ng Republic Act 9147, ang aksidente o di sinasadyang pagkakalambat sa mga ito ay itinuturing nab anta ng WWF-Philippines.

Nakikipag-ugnayan ang grupo sa pangunahing Pnoy na marine mammal experts at conservationists para mabawasan at maiwasan ang aksidenteng pagkakahuli sa mga ito sa pakikipagtulungan sa local governments, coastal communities at pribadong sektor simula pa noong 1997.

Butanding lumalayas

DONSOL, Sorsogon — Sinisi ang pag-init ng temperatura ng dagat sanhi ng climate change o pagbabago ng klima, at kakulangan ng pagkain sa pagkonti ng bilang ng umiibabaw na butanding.

Dahil dito, sinabi ni Alan Amanse, chairman ng Butanding Interaction Office Board of Donsol, lumilipat ng ibang lugar ang Butanding na mayaman sa plankton.

Noong 2012, walong butanding ang umiibabaw at nakikita ng mga turista.  Ngayon, dalawa na lamang ang nakikita, bunsod para mameligro ang turismo ng bayan.

Sinabi ni Amanse na tumaas ang temperatura ng dagat, simula 26-27 degree Celsius noong 2012 hanggang to 29-30 degree Celsius ngayong taon.

Ang dalawang natitirang butanding ay pinangalanang sina Curly at Lucky, na may tali na nylon cord sa kanilang buntot para di lumayas.

“The bigger ones measuring 14 meters long are nowhere in sight,” ani Amanse.  Aniya, nawala na rin sina Putol, na walang buntot; at Nognog, ang maitim.

Sinabi ni Amanse na maaaring nabulabog din ang mga butanding bunsod ng maraming aktibidad na isinagawa simula Disyembre hanggang Mayo, ang panahong marami sila at umiibabaw.

Sa panahong ito, 40 bangka, na sakay ang anim na turista sa bawat isa, ang nakikisalamuha sa butanding.
Ayon kay Councilor Rey Aquino, ang madalas na paghango ng plankton ng mga mangingisda at ang pagdami ng E. coli mula sa mga kubeta sa Donsol River ay naging sanhi para maubos ang pagkain ng butanding.

Aniya, milyun-milyong piso na ang nawawala sa kita ng turismo ng bayan. Noong 2007, naitala ang 25,000 turista sa Donsol Bay.

Master plan sa Tanon
Unang serye

BINABALANGKAS na ang master plan na magpapalakas at higit na mapakinabangan ang Tanon Strait Protective Seascape sa Centra Visayas, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.

Kamakailan ay  nilagdaan ng Protected Areas and Wildlife Bureau ng DENR ang memorandum of understanding at pakikipagtulungan sa RARE Inc., na babalangkas sa master plan para sa 310,800 ektaryang marine protected area.

Ang Tanon Strait ay nasa pagitan ng Negros at Cebu at isa sa 10 pangunahing pangisdaan sa bansa na pinakikinabangan at pinaghahanap-buhayan ng 26,000 mangingisda.  Itutuloy

26,000 magugutom

MAGUGUTOM ang 26,000 pamilya ng mga mangingisda sa Manila Bay kapag itinayo ang Aquino-Sangley International Airport at Aguinaldo-Sangley International Seaport sa binabalak na reclamation area sa karagatan ng Cavite City, ayon sa babala ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

Ayon sa Kaliwang Pamalakaya, mapapadali ang pagkamatay ng maruming pangisdaan sa pagtatayo ng proyekto, sa ilalim ng  consortium na All-Asia Resources and Reclamation Corp. (ARRC).

“Twenty-six thousand families, or roughly 156,000 people, will be dislodged from their livelihood and communities in exchange for the government’s offer of a measly P15,000 for each of the displaced families,” anang Pamalakaya.

Read more...