Sharon nabudol ng Kapamilya; P60M halaga ng alahas naremata sa sanglaan

SHARON CUNETA

UNTI-UNTI nang nagkakaroon ng linaw ang napakatinding hinaing ni Sharon Cuneta ilang linggo pa lang ang nakararaan tungkol sa isang taong minahal niya at pinagkatiwalaan na nangloko sa kanya.

Tungkol ‘yun sa usaping materyal na bagay, humihingi pa nga ng dasal nu’n ang Megastar na kung maaari ay bigyan siya ng pagkakataong mapatawad ang taong nangloko sa kanya, kung wala lang daw siyang asawa at mga anak ay gusto na niyang kunin na lang siya ng Diyos sa pagkakasakit.

Nu’ng isang araw ay lumutang ang taong tinutukoy ni Sharon na hindi iba sa kanya. Hindi pala pera ang kinuha nito sa kanya, kundi ang mga mamahalin niyang alahas, na umaabot sa animnapung milyon ang halaga.

Ayon sa source na may malalim na nalalaman tungkol sa senaryo, “Hiniram ng taong ‘yun ang mga alahas niya. Alam n’yo naman ang mga pieces of jewelry ni Sharon, hindi basta-basta, milyunan ang halaga!

“Ipagagaya raw kasi ng taong ‘yun ang mga alahas niya, ipinahiram naman niya! Pero ilang buwan na ang nakararaan, e, wala man lang tawag sa kanya ang nanghiram ng mga alahas niya!

“Nagpaimbestiga na siya. Nalaman niya na isinangla pala ng pinagkatiwalaan niyang tao ang mga alahas niya, hindi na natubos, naremata na!” mariing kuwento ng aming source.

Tama ang paglalarawan ni Sharon Cuneta sa taong tinutukoy niya sa pinakamalaking blind item ng bayan, hindi niya ito kasamahan sa trabaho, hindi rin niya kaibigan.

Napakalapit sa buhay niya.

Read more...