Tekla nakabili na ng bagong car: Katas ng first movie ko!

NAKABILI na ng bagong sasakyan ang Kapuso comedian-TV host na si Super Tekla. Inamin niya na naninibago siya dahil hindi pa siya masyadong sanay na nagmamaneho ng sarili niyang car.

“Sanay ako sa bukid, eh. Ang mga transportation namin doon kalabaw, kabayo. ‘Di ba kadalasan ‘pag may kotse, second hand? Ito brand new at talagang galing sa katas ng pinaghirapan mo,” aniya sa isang interview.

Binigyan pa niya ng name ang kanyang new car, “Si Kiko. Ipinangalan ko siya sa role ko sa first movie kong Kiko en Lala. Katas ito ng Kiko en Lala.” Dagdag ni Tekla, sumisimbolo rin daw ang bago niyang sasakyan sa muli niyang pagbangon matapos masadlak sa bisyo.

“Nasa sarili mo. Ikaw mismo talaga ang magdadala ng swerte mo,” sabi pa ng comedian.

Read more...