Bato rumesbak kay DJ Chacha: Mali ba ang maging loyal sa presidente?

RUMESBAK si Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay DJ Chacha matapos namang sabihin ng huli na magbitiw na lamang at mag-aplay bilang bodyguard ni Pangulong Duterte.

“Sabihan mo si DJ Chacha baka ang alam lang nya ay mag-chacha,” sabi ni dela Rosa bilang sagot sa naunang pahayag ng DJ na si Czarina Balba, o mas killa bilang DJ Chacha.

“Mali ba ang maging loyal sa isang duly elected President who is after the welfare of his people and who is willing to confront the oligarchs who have been bastardizing this country for so long ?” dagdag ni dela Rosa.

“Sabihan mo sya, I am willing to hear her answer,” ayon pa kay dela Rosa.

Sa isang tweet, sinabi ni DJ Chacha na magbitiw na lamang si dela Rosa at magsilbing bodyguard ni Duterte matapos sabihin ng huli na mabubuhay siya at mamamatay para sa pangulo.

“I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan,” sabi ni DJ Chacha.

Read more...