NALAGASAN na naman ng miyembro ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Duterte.
Pero si Biliran Rep. Gerryboy Espina Jr., ay lumipat sa Lakas-CMD na kaalyado rin ni Duterte.
“We will continue to solidify and strengthen our political influence nationwide,” ani House Majority Leader Martin Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD na ngayon ay mayroon ng 30 miyembro sa Kamara de Representantes.
Ang PDP-Laban ay mayroon na lamang 62 miyembro mula 85 nang magsimula ang 18th Congress.
“Lakas-CMD remains and will always be a partner of the administration in ensuring the swift passage of President Duterte’s legislative agenda needed to make the life of Filipino people more comfortable,” dagdag pa ni Romualdez.
MOST READ
LATEST STORIES