Sigaw ng bashers: Regine, Ogie may dalang kamalasan

OGIE ALCASID AT REGINE VELASQUEZ

Very cool na sinagot ni Ogie Alcasid ang isang basher na nagtaray sa kanya at sa asawang si Regine Velasquez.

“Malas ang mag asawang Ogie, Regine, kahit saan sya laging nawawala, dati SOP, PP, SAS, ngayon feeling ko sila ang may dalang kamalasan sa pagsasara ng @ABSCBN,” say ng isang bahser.

Isang “God bless you” lang ang sagot ni Ogie sa basher.

“Kung jinx sila, i wanna be them. both very successful and ofc wealthy. infernez i don’t think magsasara at all ang ABS. takot lang nila sa madlang pipol power. Charot,” pagtatanggol ng isang netizen.

“As if may paki si Reynang Regine sa mga bashers na yan? SOLD OUT concert and SOLD OUT MAKE UP COLLECTION! Eh kayo?” sey ng isa pang Reginian.

Read more...