AGAW-EKSENA ang trailer ng pelikulang “Latay” sa ginanap na Sinag Maynila 2020 kamakalawa na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Allen Dizon.
Isa ang “Latay (Battered Husband)” sa limang official entries sa 6th Sinag Maynila na magsisimula sa March 17 hanggang 24 na pinamumunuan ni Direk Brillante Mendoza at ni Solar Pictures big boss Wilson Tieng.
Kontrobersiyal at naiiba kasi ang tema ng “Latay” ni Direk Ralston Jover, dahil sa halip na si misis ang binubugbog ni mister, it’s the other way around. Sa pelikula, na nagkaroon na ng world premiere sa dalawang international film festivals sa India at Italy, si Allen ang laging bugbog-sarado sa asawa niyang si Lovi.
Ayon sa Kapuso actress, “Nakaka-inspire sila katrabaho kasi ang gagaling nila, like Allen Dizon as my battered husband. Pareho kaming nagkakasakitan sa bugbugan scenes namin, lalo siya, kasi totohanan ang mga sampal at hampas ko sa kanya.”
Kasama rin sa movie sina Snooky Serna at Mariel de Leon.
Ang apat pang full-length movies na kasali sa festival ay ang “He Who is Without Sin” ni Jason Paul Laxamana, starring Enzo Pineda and Elijah Canlas; “The Highest Peak” ni Arnel Barbarona kung saan bida sina Dax Alejandro at Mara Lopez; “Kintsugi (Beautifully Broken)” directed by Lawrence Fajardo, tampok si JC Santos at ang Japanese actress na si Hiro Nishiuchi; at “Walang Kasarian Ang Digmang Bayan (The Revolution Knows No Gender)” ni Joselito Altarejos at pinagbibidahan nina Oliver Aquino, Arnold Reyes, Sandino Martin at Rita Avila.
Kasama naman sa documentary section ang A Remembering of Disremembering ni Cris Bringas, Agos ni Jerel Travezonda; Coal Story, Bro ni RA Rivera; Kung Saan Ka Happy: An A.D.N. Story ni Kimberly Ilaya; Mga Bayaning Ayta ni Donnie Sacueza; at Vahay: A Documentary on The Ivatan House ni Rica Arevalo.
Sa mga short films pasok ang Ang Kaibigan ni Imaginary F. ni Joey Paras; Dasal ni Angela Andres; Leave Notes ni Yssa Valdes; Nilalang (Of Being and Deceit) ni Juan Carlo Tarobal; Pabasa kan Pasyon ni Hubert Tibi; Silang Mga Nakatago sa Dilim nina Diana Manguiat at Angelica Nitura; Supot ni Philip Giordano; Tahanan ni Mick Quito; Tarang (Life’s Pedal) nina Arvin Belarmino at Patsy Ferrer; at Together ni Blasgil Tanquilut.
Sa opening ceremonies ng festival sa Marso 17, ipalalabas din ang digitally restored at remastered film na “White Slavery” ni Lino Brocka na pinagbidahan nina Sarsi Emmanuelle, Emily Loren, Jaclyn Jose at Patrick dela Rosa.
Bibigyang pansin ng Sinag Maynila 2020 ang pakikipagtulungan ng mga Pinoy na filmmaker at mga filmmaker mula sa ibang bansa. Magkakaroon ng film exchange ang Asian Film Festival (AFF) na base sa Rome, Italy, at ang Sinag Maynila. Ang pelikula ng AFF na La paranza dei bamini (closing film) ni Claudio Giovannesi at Dafne ni Federico Bondi ay ipalalabas din sa UP Film Institute.
Ang mga magwawagi sa full-length, short film, at documentary competitions ay iaanunsiyo sa Gabi ng Parangal sa March 22.
Ang Sinag Maynila 2020 ay nabuo sa pakikipagtulungan ng official venue partner SM at SM Cinemas, at ng FDCP. Nagpapasalamat din ang festival sa screening venue partners: Cinema 76 Anonas, Cinema 76 San Juan, Cinema Centenario, Gateway, Robinsons Galleria Ortigas, Robinsons Galleria Cebu, Robinsons Magnolia, SM Manila, SM Mall of Asia, SM Megamall at ang UP Film Institute.
Ang kumpletong screening schedule ay ilalabas sa publiko bago mag-18 ng Marso, ang unang araw ng public screenings ng Sinag Maynila 2020.