NA-TOUCH ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa batang nag-viral matapos mabasted ng kanyang crush dahil ayaw kumain ng gulay.
Sa kanyang Instagram story, ipinost ng tinaguriang Queen of Creative Collaborations ang sulat kay Eman ng batang babae na kumalat nga sa social media nitong nakaraang linggo.
“Aww so cute yet so heartbreaking. Saw this letter from a little girl rejecting the boy who has a crush on her. Okay lang yan Eman, I love you!” caption ni Heart sa kanyang post.
Sinorpresa rin ng misis ni Chiz Escudero ang bata nitong nakaraang Valentine’s Day sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang kahong regalo. Nang matanggap ni Eman ang gift, todo ang pasasalamat niya kay Heart with matching letter.
“Dear Ms. Heart,
“Happy birthday and happy Valentine’s day! Thank you sa gift. Kakain na po ako ng maraming gulay para tumaba na ako.”
Sinagot ito ni Heart at ni-repost pa sa kanyang Instagram at Twitter. Aniya, “One of the sweetest birthday greetings I got! Kain ka ng maraming gulay, Eman! Happy Valentine’s day din sa ‘yo at salamat sa pag-alala ng birthday ko.
“Happy Valentine’s Day, Eman. In time you will find your one true love.”