AABOT sa 92 kilong karne ng baboy na infected umano ng African swine flu (ASF) ang nasabat nang magsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa Naga City, Martes ng umaga.
Kinumpiska ang 92 kilong pata ng baboy kasama ng apat na manok na hinihinala namang may avian inluenza, pati ang 25 kilo ng taba ng baka at walong crate ng itlog ng pugo, ayon sa ulat ng Bicol regional police.
Nakumpiska ang mga naturang item sa mga pampasaherong bus na nagbiyahe sa mga ito, sa Bicol Central Station sa Brgy. Triangulo.
Mga tauhan ng Bureau of Animal Industry, National Meat Inspection Service Region 5, Naga City Veterinary Office, at lokal na pulisya ang nagsagawa ng operasyon dakong alas-5:30 ng umaga, ayon sa regional police.
MOST READ
LATEST STORIES