ITINANGGI ng Palasyo na medical plaster ang nakalagay sa kanang kamay ni Pangulong Duterte matapos pangunahan ang aktibidad sa Sangley Airport, sa Sangley Point, Cavite noong Sabado.
“That’s more symbolical of his wanting peace in the Philippines,” giit ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.
“No, it’s not a medical plaster,” ayon pa kay Panelo.
Inihambing pa ni Panelo ang puting wrist band ni suot ni Duterte sa inilalagay ni dating pangulong Joseph Estrada.
“Eh parang ano iyan, parang kay Erap, iyong mga wrist band. Hindi ba si Erap mayroong white. Ako rin mayroon tignan mo, pula naman iyong akin,” giit ni Panelo.
Tiniyak ni Panelo na malusog ang pangangatawan ni Duterte.
“No. You know, the President will tell us if he is not feeling well. He tells us … wala ngang tinatago ‘di ba? Lahat sinasabi niya sa atin,” sabi pa ni Panelo.