Horoscope, Feb. 19, 2020 | Bandera

Horoscope, Feb. 19, 2020

Madam Sophia |February 19,2020
facebook
share this

Horoscope, Feb. 19, 2020

Madam Sophia - February 19, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Moderasyon lang ang dapat. Wag ubusin ang pera sa alak at blow-out. Magtira para bukas! Sa lovelife, magpalakas ng katawan at resistensya, may biglaang romansang maganap. Markahan ang 1, 7, 28, 31, 40 at 41. Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Sa simpleng buhay magiging maganda ang kapalaran. Iwasan ang maluhong pamumuhay. Sa lovelife, ayain ang kasuyo sa ilalim ng malaking punong mangga, hawak kamay nyong pagmasdan ang papalubog ng araw. Markahan ang 6, 12, 24, 36, 42 at 49. Pink at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)-Sa araw na ito ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Markahan ang 6, 12, 23, 36, 44 at 47. Pink at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Kapag alam mo ng palugi ang investment tumigil ka na bago malubog sa mga pagkakautang. Sa lovelife, kung alam mo namang nagpapakipot lang o umaarte ang isang taong gustong-gusto ka naman talagang makasama, ikaw na ang gumawa ng hakbang upang mairaos ang kanyang pagnanasa. Markahan ang 4, 14, 23, 36, 41, at 48. Red at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap. Sa lovelife habang nasa Pisces ang zodiac sign lalo pang iinit at sasarap ang romansa at pagmamahalan. Markahan ang 5, 17, 29, 32, 34, at 44. Green at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Lubos kang pinagpala sa mga nilalang, sapagkat habang kinaiingitan ka ng iba, lalo namang lalago ng lalago ang iyong kabuhayan. Sa lovelife, wag kuwento ng kuwento ng kung ano-ano sa kasuyo upang hindi siya maghinala sa iyo, alam mo naman siya lihim na may pagkaseloso. Markahan ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Orange at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Hindi awa ang dapat, kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa lovelife, tama ang ipinapakita mong pagmamahal sa isang Taurus, sa bandang huli, ikaw din ang liligaya at makikinabang. Markahan ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Black at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)-Wag ng maghanap ng kaligayahan kung saan-saan, nasa sarili mong tahanan ang ligaya. Mahalin ng lubos ang iyong pamilya, upang tuloy-tuloy ka ng umunlad at lumigaya. Markahan ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Purple at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Wag sumuko hangga’t hindi mo pa nakakamit ang pinaka-dulo ng iyong minimithi – ang yumaman. Sa lovelife, wag makipag-hiwalay sa kasuyo, kailangang makasama mo siya sa iyong tagumpay. Markahan ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Magenta at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Mawawala ang kalungkutan kung pagtutuunan ng pansin ang mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig at salapi. Inihahanda na ng langit ang magiging regalo mo kahit hindi Pasko at kahit hindi mo pa birthday, at ito ay ang maunlad at masayang pamiya habang buhay. Markahan ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Black at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- May darating na bagong kakilala, na makakasama sa panibagong yugto ng buhay. Siguraduhing siya ay isang Cancer, Virgo o kaya’y Taurus, upang tuloy-tuloy ka ng umunlad at lumigaya. Markahan ng 4, 13, 28, 33, 39 at 45. Orange at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Tanggapin lang ng tanggapin ang anomang negatibong sitwasyon. Sapagkat darating ang araw ang lahat ng iyan ay lilipas din! Sa buwan ng Marso kusa ng magbabago ang kapalaran. Markahan ang 7, 11, 26, 35, 43 at 48. White at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)-Hindi makapananaig ang problema kung magdarasal ng regular. Tuwing magdarasal hilingin kay Lord ang pagkakaroon ng maraming-maraming pera hanggang sa yumaman. Sa lovelife dasal din ang magpapatibay at magpapaligaya sa inyong relasyon. Markahan ang 2, 7, 23, 26, 34, at 44. Blue at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending