PATAY ang isang magsasaka matapos na masagasaan ng isang trak sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Candelaria, Quezon Lunes ng gabi.
Sa ulat ng Candelaria police, sinabi nito na patawid si Ariel Marasigan, 56, sa highway nang mabundol ng trak na minamaneho ni David Rivera sa Barangay Bukal Sur ganap na alas-8:10 ng gabi.
Sinabi ng pulisya na dead on the spot si Marasigan dahil sa tinamong mga pinsala sa ulo at katawan.
Nakakulong naman ang driver sa lokal na police station at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.