P1.3M shabu nakumpiska sa QC — PDEA

TINATAYANG 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa pinaghihinalaang pusher sa isinagawang buy bust sa Quezon City Lunes ng gabi.

Naaresto ng mga otoridad ang suspek na si Noraisa Kadil, 26, sa isinagawang operasyon sa Agham Road, Quezon City, ganap na alas-9:20 ng gabi.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang transparent na plastik na pakete na naglalaman ng shabu, isang cellphone, at identification card.

Nakakulong si Kadil sa PDEA headquarters at nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...