BILIB na bilib ang netizens sa latest YouTube post ni Angeline Quinto.
“Alam n’yo guys, every time na nakakakita ako ng iba’t ibang naglalako sa kalsada, nagtitinda ng fishballs, nagtitinda ng iba’t ibang mga gamit like tabo, tapos sa gabi balot, lagi kong naaalala ang mga kaibigan ko dati.
“Noong elementary ako, lagi kaming namimili ng mga prutas sa Bluementritt at saka sa Divisoria. Tapos gagawin naming shake, ibebenta namin ‘yun saka fishballs. kapag marami kaming kinita, hahati-hatiin namin ‘yun para kapag pasukan uli ay marami kaming mabiling gamit sa school.
“So ngayon, kapag nakakakita ako ng naglalako sa daan, sabi ko bakit hindi ko i-try uli. Naisip ko na gawin ulit iyon.”
True enough, the next scene was nagtinda ng barbecue, isaw at betamax si Angeline sa gilid ng lansangan. Next naman ay ang pagtitinda niya ng palamig, fishball at kikiam sakay ng pedicab. Then, she peddled mga gamit sa bahay like walis, tabo, hanger at kung anu-ano pa. After that, nagtinda naman siya ng balot sa gabi.
Capping her day ay nag-grab food si Angeline and the video showed her na naka-motor habang dini-deliver ang order na pagkain ng isang babae. Dinaanan pa nila ang street kung saan siya lumaki.
Daming humanga kay Angeline sa comments in one website.
“Wow! I admire your guts. You’re so comfortable riding bikes and motorcycle in busy streets. You will never be poor because of your skills and perseverance.”
“I love how she said ‘Yan, ito! Dito ako lumaki!” She was so proud of the place where she came from.”
“Thumbs up ako sa mga taong marunong lumingon sa pinanggalingan kahit na umangat na sa buhay. Stay kind, Angeline!”
“Alam na alam mo ang tao na nagmula sa pagtitinda ng street food. Parang may master’s degree kasi expert sa pag-iihaw at pagpadyak ng tricycle.”