MULA noon hanggang ngayon ay 100 percent pa rin ang ibinigay na pagmamahal ay suporta ng MayWard fans sa magka-loveteam na Maymay Entrata at Edward Barber.
Ito ang dahilan kung bakit mas lalo pang ginaganahan sa pagtatrabaho ang dalawang Kapamilya stars. Hindi rin sila nakakalimot na magpasalamat sa milyun-milyon nilang supporters sa iba’t ibang bahagi ng universe.
“Hanggang ngayon nandito pa rin sila (MayWard). ‘Yung suporta nila kasinglaki pa rin ng pagmamahal na ibinibigay nila sa amin. At ganu’n din kami ni Edward sa kanila,” sabi ni Maymay sa interview ng ABS-CBN matapos silang humakot ng awards ni Edward sa 2020 Push Awards.
Dugtong pa ng dalaga, “Lagi naming sinasabi sa kanila kahit ano’ng mangyari, nandito pa rin kami naa-appreciate at nakikita namin ‘yung ginagawa nila para sa amin. Tine-treasure namin ang every moment na napi-feel na nabibigyan pa rin kami hanggang ngayon ng halaga.”
Para naman kay Edward, “There’s a responsibility there. To our fans who love us so much. We have to make sure everyday kahit paano, ibabalik namin ‘yung pagmamahal na ibinibigay nila. Kasi parang everytime we get this much closer, they do this.
“So thank you, first of all, to everyone. You guys are amazing. And we’ll just keep doing what we do. And with you guys by our side and us by yours, we’ll do our very best to make you happy everytime. So here’s to more years together,” aniya pa.
Samantala, kinumpirma naman ng magka-loveteam na nahinto pansamantala ang shooting para sa kanilang upcoming teleserye na “Heart to Heart”. Sa Japan kasi nakatakdang kunan ang maraming eksena sa serye at dahil sa COVID-19 travel restrictions.
“Ngayon po kasi inayos ‘yung script namin kasi nga ‘yung nangyari sa coronavirus na laging safety first. Lalo na ‘yung flights ngayon. Dahil nga po ‘yung location na target namin is Japan,” ani Maymay.
“So let’s just see what happens. Pray for it. I’m sure things will be fine. But it’s just a little bit of a pause muna. Re-evaluate. Kasi it’s not something to rush,” dagdag naman ni Edward.
Hirit pa ni Maymay, “Sa ngayon po talaga mas masasabi namin na focused kami ngayon sa proyektong binigay sa amin. ‘Yun po ‘yung serye namin at hanggang ngayon naman patuloy pa rin naman po kaming nagwo-workshop tsaka Japanese lessons.”