Komite ni Poe sasalba sa 11,000 ABS-CBN workers

MAY pag-asa na nakikita ang mahigit na 10,000 manggagawa ng ABS CBN na mawawalan ng trabaho pagdating ng March 30 dahil magtatapos na nga kasi ang 25-year prangkisa na ibinigay sa giant network.
May gagawin na Senate inquiry ang committee on public services na inihain ni Sen. Grace Poe upang alamin kung may paglabag nga ba ang network sa franchise nito.
Paso na sa March 30 ang franchise ng ABS CBN dahil walang congressman na kumikilos upang baguhin ito. Para naman may dahilan na hindi na baguhin ang franchise nito, naghain ng reklamo ang abogado ng gobyerno na si Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court.
Ayon kay Calida, maraming paglabag ang network sa franchise nito kung kaya dapat huwag nang i-renew.
Poe’s resolution is a manifestation that Congress has the sole authority to determine the broadcast franchise of ABS-CBN.
Sa Senate inquiry ni Poe, bubusisiin nito ang mga elemento ng batas na ginawa ng Congress na nagbibigay sa franchise nito sa nakaraang 25 years gaya ng operation at facilities ng network, mga licenses, tax payments, permits, and authorizations, responsibility to the public such as public service time, commitment to provide and promote the creation of employment opportunities, and ownership.
Sa dami nang tinulungan ng network, sa kasiyahan na binigay nito sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya, at sa mga pagbibigay ng balita at impormasyon nito sa madlang people, ilulutang ng inquiry na mukhang walang basehan ang reklamo ni Calida.
Kung makikita ng madlang people na wala palang dahilan na ipasara ang ABS-CBN, walang dahilan para mawalan ng trabaho ang libo-libong empleyado ng network.

Read more...