Horoscope, Feb. 18, 2020 | Bandera

Horoscope, Feb. 18, 2020

Madam Sophia |February 18,2020
facebook
share this

Horoscope, Feb. 18, 2020

Madam Sophia - February 18, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang magkaroon ng mas maraming pera at masarap na romansa, laging magsasama sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Libra. Sa kasalukuyan, inaayos nan g langit ang sopresang regalo na iyong matatanggap sa susunod na mga araw Markahan ang 3, 15, 24, 33, 40 at 47. Bukod sa red buenas din ang yellow.
Aries – (Marso 21-April 19)-Ito ang araw na maiisip mong konting panahon na lang matutupad na ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay higit lalo sa aspetong pang-materyal na mga bagay. Iyon nga ang mangyayari sa tulong ng iyong minamahal, madali na kayong uunlad at yayaman. Markahan ang 1, 12, 15, 27, 40 at 46. Blue at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Habang dumadami ang kaibigan mas lalawak ang oportunidad ng pagkakaperahan. Sa lovelife, mentras maraming kakilala at BFF mas makapamimili ka ng isang nilalang na mas karapat dapat sa iyo. Markahan ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Lilac at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Sa panahon ngayon mas mainam kung daramihan ang pag-inom ng tubig, pagkain ng sariwang gulay at prutas at regular ding mag-ehersisyo. Sa ganyang paraan, maiiwasan ang karamdaman. Tadaan mong ang kalusugan ay isa ring malaking kayamanan. Markahan ang 5, 17, 24, 34, 40 at 48. Red at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Panahon na upang humingi ng tulong sa isang Capricorn. Siya ang lulutas sa problemang pang-pinansyal. Sa lovelife sa isang Scorpio mo matatagpuan ang true love. Markahan ang 2, 16, 25, 36, 43 at 48. Green at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Tumingin ka sa paligid mo: “May pagbabagong bang nangyayari?” Wala! Ang pagbabago ay kailangang magsimula sa puso mo. Sa lovelife, habang nagmamahal ng tunay at dalisay, lalo namang uunlad ang kabuhayan at magiging maligaya ang pamilya. Markahan ang 7, 10, 23, 29, 39, at 43. Violet at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)-Wag puro trabaho. Pahalagahan ang sandali na kasama ang iyong minamahal. Sa ganyang paraan, sa bandang huli ang kasuyo mo ring Taurus ang magpapayaman sa ‘yo. Markahan ang 4, 14, 22, 32, 37 at 41. Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Maging maingat sa anomang sasabihin. Kapag nagpabigla-bigla ka masasaktan mo na naman ang kasuyong Aquarius. Sa pinansyal, sa masinop at maayos na pagsasalita kikita ka ng malaking halaga. Markahan ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Magenta at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Kapag pumasok na ang buwan ng Marso ito ang magbibigay ng sigla at lakas upang tapusin ang lahat ng gawain. Sa lovelife, dagdag na libido ang dulot ng period of Aries, bigyan ng sapat na oras ang romansa. Markahan ang 7, 16, 21, 39, 40 at 48. Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Wala kang karapatang tanggihan ang mga bagay na inaalok ng tadhana. Sa lovelife isang masayang pakikipagrelasyon ang dulot ng isang nilalang na medyo kayumanggi ang kulay ng balat. Sa pinansyal, tuloy-tuloy pa rin ang dating ng maraming-maraming pera. Markahan ng 6, 9, 16, 24, 34, at 48. Red at Purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Gawing inspirasyon ang pamilya upang lalo ka pang umunlad. Sa lovelife, ang pagiging tapat sa kasuyong Cancer, ang maghahatid sa iyo sa walang kahulilip na ligaya. Markahan ang 7, 18, 25, 37, 40 at 49. Gold at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Ang buhay ay tila isang tele-nobela, alalahanin mong ikaw ang bida. Ang mga tiisin sa ngayon ay magbubunga ng ligaya sa araw ng bukas. Sa pinansyal, habang naglalakad makakapulot ka ng malaking halaga. Markahan ang 2, 4, 28, 29, 35, at 49. Green at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)-Panatiliin ang ugaling matulungin, sapagkat sa araw na ito kusang bubukas ang bintana ng langit upang hulugan ka ng siksik-liglig na mga biyaya sosobra pa sa mga pangangailangan mo. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Markahan ang 2, 16, 23, 34, 41, at 45. Gray at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending