Epekto ng kawalan ng kita mas mabagsik kesa coronavirus-Migrante

MAS mabagsik umano ang epekto ng kawalan ng kita kaysa sa kinatatakutang coronavirus disease 2019.

Kaya nanawagan ang mga nagtatrabaho sa Hong Kong na stranded ngayon sa Pilipinas dahil sa travel ban na hayaan na silang makabalik sa kanilang mga trabaho.

Humarap kahapon sa ipinatawag na press conference ng Migrante International upang manawagan sa gobyerno na magbigay ng exemption sa ipinatutupad na ban pagpunta sa HK.

“Kung tutuusin ang root cause ng problema natin dito sa Pilipinas ay yung trabaho, hindi sa ibang bansa. Kung merong ibinigay na trabaho na sapat para mabuhay ang pamilya natin dito ay hindi na natin kailangang lumabas,” ani Tess Aquino, isa sa mga nagtatrabaho sa HK na may permanent residency.

Hindi rin umano lahat ng nagtatrabaho sa HK ay bibigyan ng gobyerno ng P10,000 tulong. Ang mga resident o direct hire na hindi na dumadaan ng POEA ay wala ng tulong pinansyal na matatanggap.

“Sa tingin ko po ay unfair yun dahil kami din naman ay biktima ng travel ban at may kakulangan din ang aming income ngayon kaya kailangan din namin ng support ng gobyerno,” dagdag pa ni Aquino.

Isang apela rin ang inilabas ng Migrante upang hilingin sa gobyerno na pabalikin ang mga nagtatrabaho sa HK.

“We all feel that the travel ban which was imposed without a warning or consultation is unjustified and oppressive. It was decided upon without a comprehensive understanding of how it would affect us, and was not even in line with health protocols set by the World Health Organization,” saad ng apela.

Umaabot umano sa 25,000 OFW at 1,000 permanent resident at estudyante ang hindi makabalik sa HK dahil sa ban.

Read more...