James kinakarir ang Tagalog speech workshop; Nancy bago sa panlasa

JAMES REID AT NANCY MCDONIE

TODO na ang preparasyon ni James Reid at ni Nancy McDonie ng Korean group na Momoland para sa kanilang teleserye na “The Soulmate Project.”

Sa Twitter page ng produksyon, ibinalita na kinakarir ngayon ng hunk actor ang kanyang Tagalog Speech Workshop para sa role niya bilang Jayson.

Bukod dito, sabay din silang sumasailalim ni Nancy sa acting workshops na first ding sasabak sa drama series kaya let’s see kung may magic din ang kanilang tambalan.

Pero base sa kanilang look test mukha ngang iba rin ang karisma ng Nancy-James tandem. At least bago naman sa panlasa, di ba? Kukunan ang nasabing proyekto ng Dreamscape Entertainment sa ilang bahagi ng Pilipinas at South Korea at ididirek ni Antoinette Jadaone.

Ito ang first acting project ni James matapos mahiwalay kay Nadine Lustre.

Read more...