NAG-THANK you ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos sa lahat ng Kapamilya, Kapuso at Kapatid na lantarang nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN.
Ito’y may kinalaman pa rin sa mas umiinit pang kontrobersya ng franchise renewal ng Kapamilya network na isa na ngayong maituturing na national issue.
Marami ng kilalang personalidad ang nagsalita tungkol dito at marami na rin ang nadadamay sa issue lalo na ang ilan sa mga taong malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte, na hayagang nagsasabi na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN, na mag-e-expire na sa March 30, 2020.
Nitong weekend, sa gitna ng pakikialam ni Robin Padilla, kilalang malapit sa Pangulo, sa nasabing usapin, nag-post naman si Juday sa kanyang Instagram ng isang puso na may kulay ng ABS-CBN logo – pula, berde at asul. Kalakip din nito ang photo ng mga taong sumali sa rally na ginanap sa ABS-CBN compound kaugnay ng franchise renewal.
Caption ni Juday sa kanyang IG post, “Love unites… maraming salamat mga kapamilya, kapatid, kapuso at kasamahan sa industriya.. sa suporta at pakikipag kaisa sa minamahal naming bahay.”