Para sa may kaarawan ngayon: Wag madaliin ang tagumpay, hayaan lang maganap ng kusa ang mga bagay-bagay. Sa kasalukuyan ang tadhana ang gumagawa ng sarili niyang paraan upang lalo kang umunlad, yumaman at lumigaya. Markahan ang 4, 15, 26, 34, 40 at 48. Yellow at black ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)-Huwag hayaang ang takot ay pumigil sa iyong nararamdaman. Gumawa ng paraan upang mapaligaya ang sarili at ang kasuyong Libra. Sa pinansyal, basta’t nagmatapang ka tuloy ang pasok ng maraming pera. Markahan ang 3, 6, 25, 34, 43 at 49. Pink at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Magkakaroon ka ng kakaibang kaugnayan sa bagong kakilala. Mag-ingat sa isang immoral na relasyon. Sa pinansyal, ibuhos ang buong pagtitiwala sa sariling kakayahan upang ikaw ay yumaman. Markahan ang 8, 12, 15, 28, 33, at 43. Red at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Muling magte-text ang dating ka-relasyon. Wag na siyang hayaan pang maging bahagi ng iyong buhay, guguluhin ka lang niya. Sa pinansyal, mas mainam pang bigyang pansin ang pagpapayaman, kaysa sa anopamang mga bagay. Markahan ang 1, 5, 14, 23, 28 at 41. Silver at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Magiging happy ka kung ituon ang pansin sa kasalukuyang relasyon, wag ng tumingin pa sa iba. Sa pinansyal, may darating na namang mangungutang, tanggihan siya sa malumanay at maayos na paraan. Markahan ang 2, 11, 28, 32, 43 at 48. Green at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Sa lovelife wag masyadong maging demanding, baka tuluyan na siyang mawala sa iyo. Sa panansyal panahon na upang magtipid upang wag maubos ang savings. Markahan ang 1, 4, 23, 38 at 43. Gray at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Panahon na upang gumawa ng bagong gimmick na ikasasaya ng kasuyo upang wag maging boring ang relasyon. Sa pinansyal, gumawa ka ng inobasyon upang mapalaki pang lalo ang kinikita. Markahan ang 5, 18, 27, 35, 39 at 47. Beige at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Habang patuloy na nagiging malambing sa kasuyong Aquarius nakahanda na ang magaganap – isang napaka-romantikong gabi na hinding-hindi mo malilimutan. Alisin sa isipan ang pag-aalinlangan, bumigay ka lang ng bumigay. Markahan ang 7, 12, 15, 21, 32, at 41. Red at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Sa lovelife tuloy ang kakaiba at mainit na relasyon. Sa pinansyal, dahil lagi kang nakatutulong sa iyong kapwa, pagpapalain ka ng langit, lalong lalago at lalaki ng lalaki ang iyong kinikita. Markahan ang 2, 17, 24, 34, 41 at 44. Black at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Hindi dapat dominahan ang kasuyo, baka makahalata na, na ina-under mo siya. Sa pinansyal, tuloy-tuloy ang magandang pasok ng pera, ang kailangan na lang ay ang mag-ipon pa ng mag-ipon. Markahan ang 6, 9, 22, 34, 40 at 48. Lilac at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Kung hindi ka na masaya sa kasalukuyang relasyon wag ng piliting ipreserba ito, lalo ka lang masasaktan. Mag hanap ng kasuyong Cancer. Sa pinansyal, tuloy ang kabig ng malaking halaga. Markahan ang 8, 14, 23, 32, 41 at 46. Apple green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Sikapin maging matured sa aspetong pang-emosyonal, sa ganyang paraan kusa ka ng makakatagpo ng isang pangmatagalang relasyon. Sa pananalapi, ang ibig sabihin ng “financial maturity” ay simple lang, unahin ang pagse-savings bago gumastos. Markahan ang 1, 6, 19, 28, 30, at 45. Pink at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Kahit na maraming problema, isa lang ang solusyon: “Magtiwala sa iyong minamahal!” Sa ngalan ng pag-ibig, makakaraos din kayo at magiging happy ending ang lahat. Markahan ang 7, 10, 18, 27, 33, at 46. Violet at white ang buenas.
Horoscope, Feb. 17, 2020
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...